(balik tanaw lang saglit)
mga ilang taon na rin ang nakakaraan, may napanood akong talk show sa umaga, hindi na ako sigurado kung anong show yun dahil naka ilang palit na ng morning show ang channel 2 sa loob ng 5 taon. ang pinag uusapan nila ay tungkol sa mga collections nila tulad ng bags, sapatos, damit atbp. syempre mga kilalang personalidad kaya naman afford nila ang bumili ng mga ganitong mamahaling bagay. meron isang payo ang isang guest doon at tumatak sa isip ko, ang sabi nya.
"kung bibili ka rin naman ng bagay para sa sarili mo dapat yung original na para mas maenjoy mo at kung peke lang din wag na lang"
kahanga-hanga di ba po? pero sandali magkano ba ang original na dolce and gabbana? isang libo, dalawa o tatlong libo o higit pa dito? ayan ang tatak na pinili ko dahil ayan yung mga dalang collection ng mga guest sa morning show.
parang kung ittranslate ko ang sinabi nya, palihim ang mensaheng ito,
"kung wala ka namang sapat na pera bakit ka pa bibili nito? at kapag bumili ka ng pekeng ganito ay lalabas ka lang trying hard"
tama pa rin naman diba? bakit mo pipilitin ang bagay na hindi mo naman kaya sa ngayon.
pangalawang translation ko.
bakit ka ba mapilit at gustong makabili ng original na ganito? para ano? maging magkamukha tayo? mahal to, mahal! isaksak mo yan sa utak mo! hindi bagay sayo to,at kung makabili ka man ng kamuka na to, siguradong akong fake yan! wag ka mag asam ng bagay na hindi abot ng bulsa mo.
hehe medyo exaggerate lang to pero sa tingin ko talaga ito yung lihim na mensahe nun guest sa show, nagkataon lang na nakapili siya ng magagandang salita na sasabihin nya pero ang ganito talaga ang dating nun. (aking translation lang to walang pikunan)
ang tanong!?...
yung may pera lang ba ang may karapatang ienjoy ang mga original na bagay? paano naman yung mga kapos at gipit, tingin ko may karapatan din sila dun. pero paano?
PIRATA yan ang kasagutan. (marami pa naman ibang sagot walang lang akong time mag isip hehe)
wala akong ideya kung saan nagmumula ang mga produkto nila, kung saan ginagawa at paano nila nagagawa, alam ko mayroon na din pagawaan ng mga pekeng dvd sa pinas. dahil nabanggit ko na rin naman ang dvd, isa itong bagay na to ang may pinakamaraming pekeng gamit meron ako. siguro humigit kumulang na sa isang daan, mula sa mga anime, tv series hangang pelikula meron ako. pati mga sneakers na sapatos ko sa baratilyo lang ako bumibili, pinaka mahal na ang 6hundred basta laging tig tatlong daan lang binibili ko.
shhhhh! baka mabasa ni chairman edu manzano?
wala naman akong pinopromote sa sinusulat kong ito, naikwento ko lang naman kung ano ang ginagawa ko.
minsan napadaan ako sa isang bilihan ng originals cds and dvds sa isang mall sa alabang, nakita ko yung isang set ng prison break umabot yung halaga ng libo hindi ako sigurado basta naglalaro sa 1k-3k, samantalang nakumpleto ko yung set na yun na wala pang 5hundred pesos. malinaw ang kopya, may subtitle at ayos din ang tunog.
afford ko naman bilihin yun original na set ng prison break pero namamahalan ako. para sa akin hindi praktikal kung bibilihin ko yun sa ganoong halaga.
para sa akin ganito ang praktikal
nasa mall ako may tatlong libo ako
syempre kakain ako ng masarap, pagkatapos baka dumaan ako sa booksale hanap ng astig na murang libro. hanap ng tshirt at pants. baka kumain ulit. pero kung uubusin ko yung 3k sa orig na dvd hindi pasok sa deskripsyon ko ng praktikal yun base sa pinili ko o lifestyle meron ako.
hindi ba para sa akin ang tv series na prison break? dahil namamahalan ako sa original set nito?
(may voice over sumigaw ng)
UGOK!!! ang drama mo, pwede mo panoorin yan sa internet!
eh paano kapag hindi ko kayanin ang bayad sa net shop sa haba ng series na to.
sagot ng voice over
tsk manghiram ka na lang sa kaibigan mo
wala akong kaibigan merong original copy nito at kung meron man sigurado ako pirata din yun, nagmamarunong ka pa! tugon ko.
parang abnoy lang, biglang nagkaroon ng dialogue sa kwento ko.
bakit ganoon kataas ang halaga ng original na gamit? madalas tuloy naglalabasan ang mga peke, mga pekeng maliit lang ang lamang sa mga original.(partikular lang to sa DVD) hindi ba nila kayang ibaba ang presyo ng original?
(hindi ko sinasabing lahat ng peke maganda meron talagang peke na PEKE talaga na hindi mo na nagamit sa sobrang pagka PEKE)
minsan tuloy napapa isip ako kung sino talaga ang magnanakaw
yung gumawa ng original na binebenta ng pagkamahal mahal?
o
yung namimirata ng original at gumagawa ng peke sa abot kayang halaga?
sana kung ibaba lang nila ang presyo nila para abot ng masang pinoy may mag aabala pa kayang gumawa ng pekeng produkto dito o maging sa labas ng bansa kung ang mga tao sa buong mundo ay makakabili naman ng original na abot ng bulsa.


Marj Laurena
ReplyDeleteHulyo 23 nang 7:39 PM
nice shipi. :D congrats sa bagong blog mo! ako rin ginagawa ko 'to pampaalis ng stress. hehe.
may factory dati yung tita ko ng bags at shoes. bata pako nung nagpunta ako dun... mga grade 5. mahilig ako mag design kaya pinag design ako ng bags ng tita ko. maganda daw kaya na-consider yung 2 design ko in print and may dummy na ginawa ko using paper (basura kasi mga laruan ko nun, kaya resourceful hahaha) anyways, yun yung mga panahon na nagiging brand conscious lahat ng barkada ko, hindi ako makasabay at ayaw ko sumabay dahil praktikal din akong tao. masama loob ko sa mahal na gamit (unless bigay,hehe) dahil pag nasira, nakakahinayang... segway lang. balik tayo sa factory and designing... ayun nga, for experience lang, walang bayad, nag design ako, nag manual quality control and packing etc. sa kaliwang side ko, designs ko, sa kanan, mga iba't-ibang tatak ng "ORIGINAL" (duh?!) na mamahaling "designer bags"... rustans, guess, etc. ilalagay sa design kong bag, and voila! libo na ang halaga. duon ako lalo nawalan ng bilib sa mahal na mga bagay... yun lang pala yun...
the thing is... may mga alternative. at minsan yung alternatibo sakto pa sa orig, minsan mas okey pa yung alternative na mura. ang dami kayang pangit na orig pero dahil may tatak, yun ang binibili, lalo na pag sumisigaw yung tatak (malaking question mark... GUESS AKOOOOOO!!!) hehe. minsan maganda rin na alam mo kung paano ginagawa at saan ginagawa ang mga bagay na binibili dahil dun ka mamumulat sa katotohanan... na minsan, ang "original" hindi original. hehe.
sa ngayon, masasabi kong masarap mabuhay sa lugar na hindi isinasalampak sa mukha mo ang estado ng buhay. hehe. na lahat ng tao pantay pantay, kung ano ginagawa at kinakain ng mayaman, ginagawa at kinakain din ng mahirap. yey! :D
continue writing. i'm one of our fans. hehe. :D